Pau Era and Judy Sy interviewed Noel Victorino for Teachers’ Appreciation Week.
Pau Era (PE): Why did you choose to be a teacher?
Noel Victorino (NV): Since high school gusto ko na maging teacher. One time, sa Marikina Science High School, may Teachers’ Day pero reverse, ‘yung student ang magiging teacher for one day. Ayun, naging teacher ako sa Geometry. Hindi naman ako ganun kagaling magturo pero fun naman.
PE: What do you love most about teaching?
NV: Kapag na-aappreciate ng estyudente ‘yung tulong mo.
PE: What do you hate about teaching?
NV: ‘Yung hindi na-aappreciate ng estyudente. Gusto ko laging relevant ang mga tinuturo ko.
PE: Anong feeling na maging teacher ng mga students na malapit lang ang age sa’yo?
NV: Okay naman. Nasanay kasi ako noon noong naging teacher for a day ako sa high school at sa mga tutor din. Malapit din kasi age namin. So kumbaga, hindi siya new sa’kin sa college. Pero may advantage kapag close ang age gap. Worry ko lamang ‘yung baka hindi ka makakuha ng respeto as a teacher kasi nga malapit lang edad n’yo.
PE: May nag-inspire ba sa’yong maging teacher?
NV: Noong high school ako, may Geometry teacher kami na super tagal niya nang nagtuturo (siya ‘yung pinalitan ko noong be a teacher for a day). Naging teacher pa siya nung tita ko. Sobrang tagal na niyang nagtuturo pero hanggang ngayon same quality pa rin ‘yung pagtuturo niya, gusto ko maging ganun na teacher.
PE: Kung hindi po kayo nagtuturo, ano naman po ang ginagawa n’yo kapag may free time?
NV: Most of the time, engaged ako sa sports. Noong first few months of the year, sa running, basketball, high school alumni team, parang ganun. As of today, boxing naman. Pag free time ko, nanonood ako ng series, mga anime series katulad ng Naruto at mga pelikula, yung Filipino movies, indie at medyo baduy, yung mga romantic comedy.
And theater din pala. May special participation ako sa isang 10-minute play noon sa SM Aura as a security guard. Pero first time ko lamang yun.
PE: Ilang taon po kayo, Sir, nung una mong napanood ‘yung Naruto?
NV: Noong 14 years old ako at nasa high school pa lamang. Nag-do-DotA pa ako noon. Pero ngayon, hindi na, narining ko may bago nang DotA ngayon.
PE: Meron na ba kayong best memory sa classroom?
NV: Noong first day, dapat ‘yung gagawin ko, uupo lang ako kasama ninyo, tapos tatanungin ko kayo, “Sino ang teacher natin?” Pero hindi ko nagawa kasi kailangan i-set-up ‘yung computer, tapos habang binubuksan ko ‘yung computer, pumasok na kayo. Kaya ‘yun, di ko na nagawa.
PE: Kung hindi kayo naging propesor, ano ‘yung gusto ninyong gawin?
NV: Kung hindi ako nag-academe, nasa development sector na siguro ako ngayon, mga NGO. Ayaw ko mag-corporate, masyadong mainstream, at dahil sa gobyerno din tayo kailangan, ‘yung IT.